Monday, September 12, 2011

ASTURIAS' NEXT TOP MODEL

Asturias' Next Top Model premieres September 14, 8pm Asturias Time
exclusively on http://www.facebook.com/AsturiasNextTopModel and on http://asturiasnexttopmodel.blogspot.com/

Thursday, March 10, 2011

ANTM (Asturias' Next Top Model)

Here’s a preview of the newest ONLINE Top Model Competition to hit the cyberworld by storm.


7 Young Bekis stand before you.

from 1 school

from 1 street

with 1 dream

of becoming the first..

Asturias’ Next Top Model

Tuesday, November 02, 2010

GIMIKERO/A!

Gumimik na ba kayo? Hindi ung gimik na pupunta sa bar/club ah, kundi yung gimik na ginagawa ng mga artista para sila ay mapansin.

Unang una sa listahan ay si..


Madam Auring

Sumunod naman si..
Mystica

May mas gigimik pa ba dito?

Diba? Nakuha pang magsama ng 2 to!

Recently, naGIMBAL na naman ang showbiz (pati ako!!!) sa pinaka-kacheapang gimik ng taon!

JIMBOY SALAZAR
now known as
JIMGIRL SALAZAR

Bago ko pag-usapan ang pagiging Jimgirl nya, tayo'y magbalik sa mga "attempts" nya para mapansin.

#1. Pag-iibigang MAHAL at JIMBOY.

In fairness, ginamit niya ang isang "mas" sikat sa kanyang artista. ANG TANONG: May naniwala ba?

#2. Patay na si Jimboy text.

Sinong ibang tao ang magtetext maliban sa kanya na patay na siya? At anong mapapala ng ibang tao dun? Sayang sa load. In short, si Jimboy lang din ang nagpakalat nyan.

#3. Jimgirl Salazar

Sa The Buzz siya nagreveal ng kanyang "bagong" katauhan. Diba sosyal? Sa #1 Showbiz Oriented Talk Show pa siya talaga nag-"out". Wala akong pakilam kung bading talaga si Jimboy. Pero, halatang nagpapanggap eh. Halatang nag-papaka-"effem" ma bakla. Napakitid ng utak niya sa pagiging isang bakla. Kayo na bahalang humusga pag napanuod nyo ang video na ito. Nagsususmigaw na GIMIK at kacheapan. Dinamay pa si BB. At nahawa lang daw siya ng pagiging bading nya. TIGILAN AKO!!!!!!!!!!!!!!



or http://www.youtube.com/watch?v=Z8hBFaVOrKU

sabi ko nga sa facebook post ko.. "kung ndi lang nakakabastos, nagwalk-out na si siguro si Tito Boy.. malalagay na niya ito sa kanyang "worst interview" ever.. sayang wala yung mahiwagang salamin ni Tito Boy.. sasabihin niya siguro, "Nasaharap mo ang mahiwagang salamin, ngayon hintayin mong ihampas ko sa ulo mo to ng matauhan ka sa ka-cheapan mo!""
I'm FAT


Sad to say, that's me. Ang taba ko na! Mataba na nga ako, nagsuot pa ako ng horizontal stripes na damit. Hahaha. Dati when people ask me kung bakit ako tumataba, I always answer them, "It's a sign of wealth." Well, totoo naman, pero natatabaan na ako sa sarili ko.

This is my 190th post, and yes, my official weigh in minutes before I wrote this post is 190! Kill me now!!!!

Starting today, magsisimula na ako magpapayat. Para pag sa pasko, madaming kainan, ndi na ako mas bumigat pa sa 190!

Please pray for me and my endeavor.

Sunday, October 31, 2010

Happy Halloween!


Concept: Raped Beauty Queen. :)
Photographer: Arjay Legaspi
Styling: Jade Gonzales
Venue: EP Office

Tuesday, September 07, 2010

Battle of the Brapanese!



Parang ang taba ni Akihiro dito noh? Hindi matatawarana ng abs ni Daniel.


Diba? Winner din ang Apollo's belt (tama ba?) ni Daniel.. Bakit ang taba dito ni Akihiro?


Ready mga teh sa inyong Buldge Meter..


Fabio Ide: Nakababa?


Daniel Matsunaga: Palad lang ang katapat?

Akihiro Sato: Teh, mali ata minimeasure mo..


Fabio, Daniel or Akihiro?

From the very start, Akihiro ako. :)

Kayo mga teh?

Thursday, August 26, 2010

Win na Win kay Baldwin!


Hahaha! Diba Win na Win! Pero hindi yan ang subject ng blog ko.

Nagbalik na naman ang alala ng aking High School days dahil sa Miss Universe 2010. Hindi dahil mahilig ako maglaro ng beauty contest sa amin at ako lagi ang Venezuela, kundi dahil sa isang lalaking nakalimutan kong naging parte ng buhay ko.


Siya ay si William Baldwin.
Bata pa siya dito (dahil ito yung face niyang crush ko siya at
hindi yung ngayong matanda na siya).

Siya ay isa sa mga judge ng Miss Universe 2010 at siya pa ang nagtanong kay Ma. Venus Raj na ikinaloka ng marami (ang sagot, ndi dahil kay William).


Una ko siyang nasilayan sa movie na Backdraft. Siya ay isang bombero dito. Mga ilang beses ko ding pinanuod ang pelikulang ito ng paulit-ulit. Bakit kamo? Click here.

Sumunod ay sa Fair Game, kung saan kasama niya si Cindy Crawford. Sobrang gwapo niya dito. Meron din silang steamy na scene sa loob ng train (ata?).


Sa pelikulang ito huli ko siyang nakita. Dito na kami naghiwalay. Iniwan niya akong nag-iisa, pagtapos niya akong gamitin ng paulit-ulit. Dito ko nalaman sa pelikulang ito na tunay pala akong babae dahil sa nararamdaman ko pag nakikita ko siya dito at lalo na dito.

Salamat sa Ms.U at nagkita kaming muli. Kahit sandali lang. :)

Tuesday, August 24, 2010

Ang Ending ng Miss U.


Bahala na ang video na ito.
It's still a good night.

Good Night Universe! :)

This will sum up the emotions ng lahat
ng Pinoy na Bakla san man sa mundo. :)



Ang Miss Universe 2010
(dahil dito, napablog ako ulit!)

Nung 23 pa lang ng gabi, ako ang excited at pinilit matulog ng maaga para kinabukasan ay magising naman ako ng maaga para mapanuod ang Miss Universe 2010 sa ABS-CBN.

Nag-alarm ako ng 9:10 am, nakatulog ako ulit. Buti nagising ako ulit ng 9:35 am. Sabi ko sa sarili ko, "Shit! Shit! Shit!" Dali-dali kong binuksan ang TV and to my disappointment, ang nasa TV ay "Simply KC" pa din!

Buti naisip ko na pinapalabas rin pala ito sa Star World. So dun na ako nanuod. Ung part na sa Star World ay yung swimsuit na. KInakabahan ako kasi ang dami ng tinawag na bilat, walang Philippines. Tapos biglang ang huling babae tinawag ay, "Miss Philippines!" So nasa mood na ako. Kinakabahan ako at the same time excited.

Tapos brino-browse browse ko ulit sa Ch. 2 dahil hindi pwedeng hindi ko mapanuod ang opening ng Miss Universe at ang pagtawag kay Venus sa Top 15.

Tapos Top 10 na. Tinawag si Venus ng mas maaga. Hindi siya panghuli.

Top 5. Super kabado. Tinawag na isa isa. Ang huli ulit, "Miss Philippines!" Hindi ko batid na senyales pala ang twice na pagkaka-tawag kay Venus na last. Hmm.

Final Question. Hindi ko na masyado inentertain yung sagot ng iba. Mga snippets nalang ang napapansin kong moments. Pero nung Philippines na, I was very attentive. High School crush ko pa naman si William Baldwin, as in!!!

Maria Venus Raj (Miss Universe 2010 4th Runner Up) Salamat at kahit papano panandaliang nakalimutan ng mga Pilipino ang trahedya sa hostage taking nang MAJOR MAJOR.

Dun na. Dun na ako nawala. I told myself, "4th na si Ate". :( True enough, 4th runner.

After ng pangyayaring ito, nagdagsaan na ang Tweets, FB statuses (eto rin ba ang plural ng status?), blog entries na for and against sa nangyari.

Share ko na lang mga status ko sa FB.

MY THOUGHTS KAY VENUS: Teh, un na teh eh. Nandun ka na, sinayang mo. To think sayo ang pinakamadaling sagutin ang Final Question. May mga cliche-ic answers na nga sa tanong na yun eh. Hindi kasi "thank you to etc etc" ang sagot sa tanong.. Kitang kita naman kasi 4th runner up ka teh. Masyado ka cguro natuwa sa suportters mo.. Congrats na din kasi out of the 80+ candidates, naka top 5 ka. Pero sayang. SAYANG VENUS.

Last Status ko



Iba't iba man tayo ng opinion, ngunit alam natin kung ano tama at ang mali. Dun ako naiirita. Hindi ko sinisiraan si Venus, ung sagot nya at ginawa niya ang di ko gusto. Beauty Queen ka ate, nagtraining ka sa Columbia, wala kang karapatang kakitaan ng kaba. Hindi rason yun para maligwak ka sa Q&A. Kahit nga ikaw teh, sabi sa Twitter, " RT @KCMontero: Venus Raj is laughing off her Q and A blunder. That's my type off girl, someone who can laugh at their mistakes. That's why I laugh a lot." See, natawa ka din sa ginawa mo. Remember iba ang natawa sa natuwa.

ITIGIL NA KA-IPOKRITAHAN!

Parang simpleng case ito ng isang batang nadapa at nagkagalos. Sasabihin ng Nanay, "Wala yan anak, hindi yan masakit. Malayo sa bituka yan." Eh kitang kita mo namang umiiyak / humahagulgol ung bata! So, masakit sya! Parang dito lang, huwag nyong sabihing "OK LANG" dahil alam nating hindi "OK LANG". Sayang ang nangyari. SAYANG. SAYANG talaga.



at least we know, democracy is still alive kasi iba-iba tayo ng pananawa at nakakapag-voice out tayo ng sentiments natin.. :)